Patag
Hindi kumukurba
sa patuloy na paglalakad,
pantay ang kalawakan
sa landas na hinaharap.
Bawat hakbang
umaalon ang karagatan,
nagpapaalam ang liwanag,
umaahon sa bitag.
Bakas ang pagka-inip
dahil walang makarinig
sa pusong lumuluha
dahil hindi makabatid.
No comments:
Post a Comment